| |
| Ang dami ko nang nababasang libro.
1. The House at Pooh Corner =) 2. A Disorder Peculiar to the Country 3. Fresh Eggs 4. ... di ko maalala, pero apat ang bilang sa daliri ko kanina.
Ang dami ko nang napapanood na pelikula.
1. Un Chien Andalou (1929) - iyong kay Buñuel at Dali 2. Funhouse (1981) - b-movie mode 3. Most (2003) 4. 500 Days of Summer (2009) 5. Away We Go (2009) 6. Into the Wild (2007) 7. American Beauty (1999)
Bakit kaya, kasi wala na talaga akong ginagawa, Dapat (dapat?) nga abala akong gumagawa ng plate (0.05% complete, pasahan sa Thursday) kaso wala.
Kasi wala na talaga akong ginagawa, humihinga nalang. Kumakain kapag na-bore ang bibig. Nagsasalita kapag na-oobliga.
Tinatamad na akong maisip na tinatamad na akong isiping tinatamad na talaga ako. ------ "One day I will find the right words, and they will be simple." - Jack Kerouac (The Dharma Bums)
Nagandahan lang ako sa sinabi niya. Pero hindi ibig sabihin naniniwala ako. (Hello Geia ang dami mong sinasabi)
Okay tama na. - Mood:natatanga, na naman
- Music:downloaded techno songs
| |
|
| Inabutan na naman ako ng alas kwatro. At hindi talaga ako makatulog. At iniisip kong mag-aral (okay tawa muna) dahil tinamad akong magtrabaho ng lantern, pero naisip ko muna kasing magsulat.
Dahil. Naisip ko lang. Na matagal na rin kasi akong hindi nakakapagsulat, at parang hindi na ako marunong. Kaya gagawin ko na, bago pa ako makalimot paano nga ba magsulat.
Ang naiisip ko ngayon ay. Math, mamaya. At naiisip kong hindi na naman ako makikinig dahil parating lumulutang lang ang utak ko tuwing Math. Tanungin mo lang si Claire, sa tingin ko ay nagsasawa na rin yun sa akin dahil paulit-ulit lang ako. Hindi ko rin maisip kung maganda ba iyon o hindi, kasi lagi lang akong lutang. At ilang beses na rin niya akong sinabihan ng mukha raw akong naiiyak. Pero napapahalagahan ko naman iyong mga naiisip ko, at sa tingin ko mas mahalaga naman iyon kaysa sa emosyon.
Iniisip ko kasi kung ano bang puno't dulo ng lahat ng ito (lahat talaga).
At wala akong masagot. O meron, pero ang totoo ay hindi naman talaga ako sigurado.
At mahirap kasing umusad kung hindi ka sigurado.
------ Ayan lang, the end.
Walang koneksyon, gusto ko lang sabihin na natapos ko nang mabasa iyong The Jungle ni Upton Sinclair ngayong weekend. Noong May ko pa nakuha 'to kaso ngayon ko lang talaga natapos dahil hindi na talaga ako nakakapagbasa (=
Iyong mga utol ko pahabaan ng listahan ng natapos na libro, ako mabibilang lang sa daliri ilan ang natapos ko:
1. Winnie-the-Pooh ni A.A. Milne (haha sorry yan talaga unang pumasok) 2. When We Were Young ni A.A. Milne ulit 3. Peter Pan ni J.M. Barrie 4. Mere Christianity ni C.S. Lewis 5. The Jungle ni Upton Sinclair
Hala lima lang talaga. Baka meron pa, kaso di masyadong importante at nalimutan ko na. O kaya naaalala ko talaga kaso hindi ko naman maturing na achievement iyong pagkatapos nun. Ayy meron pa pala, iyong Book of Acts. Hindi ko pa rin natatapos iyong Romans. Kakaisip, haha.
Ayan, at naisip ko lang. Dahil at the end of the day hindi naman talaga mahalaga iyong bilang ng librong natapos ko.
------ Parang sa bawat break doon talaga humihinto - sa kung ano nga ba ang talagang mahalaga. At dito ko na rin ito tatapusin, sa tingin ko. Dahil kung ako ang tatanungin, saka na ako sasagot, dahil ang totoo ay iniisip ko pa rin talaga. - Music:album ng OPM christmas songs galing sa kabilang pc
| |
|
| Hindi ako maka-concentrate sa paggawa ng paper. Hindi pa ako nakakagawa ng studies para sa plate na gagawin na namin mamaya. E magaling talaga.
------ Para lang maalala ko.
Naisip ko na nalulungkot ako ngayon. Kasi hindi ko masabing alam ko talaga kung anong gusto ko.
Binabasa ko iyong mga dati kong nasulat. Na mabuti pa noon, na kahit hindi ko naiintindihan e alam kong may pinanghahawakan ako.
...
Makitid ako mag-isip ngayong gabi, pero hindi ko kasi talaga alam.
Alam mo iyong pakiramdam na nagising ka nalang at nawala lahat? (Minsan ko lang gamitin ang salitang lahat, at pag ginamit ko iyon ibig sabihin talaga lahat)
Pero bumalik din. Pero nawala rin. Na madalas nakakaloko na kasi parang paikot ikot ikot nalang.
Haha hindi. Wag mo nang alamin.
------ Nalulungkot akong maisip na nawawalan ako ng pakialam. | |
|
| somewhere i have never travelled,gladly beyond ee cummings
somewhere i have never travelled,gladly beyond any experience,your eyes have their silence: in your most frail gesture are things which enclose me, or which i cannot touch because they are too near
your slightest look easily will unclose me though i have closed myself as fingers, you open always petal by petal myself as Spring opens (touching skilfully,mysteriously)her first rose
or if your wish be to close me, i and my life will shut very beautifully ,suddenly, as when the heart of this flower imagines the snow carefully everywhere descending;
nothing which we are to perceive in this world equals the power of your intense fragility:whose texture compels me with the color of its countries, rendering death and forever with each breathing
(i do not know what it is about you that closes and opens;only something in me understands the voice of your eyes is deeper than all roses) nobody,not even the rain,has such small hands
------ {edit -- 0116 090709} Alam mo iyong pakiramdam na electricity skittering on your skin? Nararamdaman ko iyon, palagi, tuwing nababasa ko ang tulang ito. At para akong naiiyak, na natutuwa, na kinakabahan, at hindi ko maisalin sa salita iyong nararamdaman ko Pero alam kong naiintindihan ko yun. Kung ano man yun.
Kahit pang ilang beses ko nang naulit ulit ulit mabasa.
Minsan, nakakaloko ang pakiramdam na iyon. Minsan, masaya lang.
{/edit}
| |
|
| Nakakaadik din pala ang grumaduate. Na hindi pa ako nag-aaral pero naisip kong gusto ko nang grumaduate. Na hindi naman dahil hindi naman ako tamad lang mag-aral, at gusto ko naman iyong pag-aaralan ko (at sana ay matatagalan ko). Kaya lang, bigla ko lang naramdaman na gusto kong makapagtapos, ngayon na. Wala nga akong excitement sa pagpasok..
Pero hindi ko masyadong sineseryoso yun. Kasi naramdaman ko lang bigla. Gusto ko lang maalala na minsan akong naatat grumaduate.
------
Kaninang umaga, naisip kong mag-SI sa sarili ko. Na napakalabong mangyari, pero masaya lang isipin.
Minsan, iniisip kong matulog nalang at makalimot, pero hindi ko naman maitanggi ang bigat ng trabahong kailangan gawin. May mga panahon na iniisip ko kung paano kaya kung wala nalang akong alam. Para madali lang ang buhay. Pero hindi ko naman talaga matatakasan, kasi andyan pa rin yan. At hindi ko kailangan pilitin ang sarili kong kumilos dahil alam kong iyon naman talaga ang gusto kong gawin.
It started out as a feeling Which then grew into a hope Which then turned into a quiet thought Which then turned into a quiet word
And then that word grew louder and louder Til it was a battle cry
Naisip ko ito, nung isang linggo pa. Minsan kasi parang nakakalunod na sa dami ng nangyayari, at alam kong hindi ka dapat nagpapahuli. Pero hindi ko rin naman gustong matangay lang ng agos, kung saan lang dadalhin, doon na. Kaya nakakasabaw ng utak. Pero alam kong wala akong balak tumigil. At ang gusto rin naman talagang gawin e ipagpatuloy lang. Na mag-aral, at magturo, at mag-aral ulit, at magturo, at kumilos. At magpakabuti, at pagbutihin pang lalo.
------
Sabi ng phone ko, "Mon. 18 May 18:18."
Now we're back to the beginning It's just a feeling and no one knows yet But just because they can't feel it too Doesn't mean that you have to forget
Let your memories grow stronger and stronger Til they're before your eyes
Magandang maisip iyon, na kahit hindi ko maabutan at makita ang kahihinatnan ng lahat ng ginagawa ngayon, alam kong may magpapatuloy para mangyari talaga iyon. Gaya ng ginagawa natin ngayon. | |
|
| Ang saya sigurong gumawa ng year-ender. Kaso saka na. Nung nag-Hakbang [graduation ceremony, elementary] kami noong 2005, parang napakatagal pa ng 2009. Pero ngayon, malapit na [talaga] kaming grumadweyt. Haha. Senior moment. ------ Unang kalahating-oras ng 2009, abala ako sa pagtapos ng biography ni Edgar Jopson. Edi tapos ko na. Nakakapagbasa na uli ako. At ang dami kong naiisip. | |
|
| I doubt sometimes whether, after all, a quiet and unagitated life would have suited me: yet I sometimes long for it. -Byron (1788-1824) Ang dami nang nangyari. Ang dami pang mangyayari. Ang dami pang. Sana ay mangyari. Masarap sanang tumunganga at tumingin sa kawalan at mag-isip lang habang nakaupo at huminga nang malalim sa loob ng ilang minuto at humiga sa sahig at matulog [naalala ko ang pagtulog, ang sarap matulog kailan kaya ako makakatulog] at kumanta, hindi na ako nakakanta. at kumain, at magbasa hindi na yata ako marunong magbasa, at gumuhit. masarap gumuhit. at. Pero marami pa tayong gagawin, sana para. marami ring mangyari. ------ I hope I will be there, really be there, when those things happen. I am hopeful. I hope. we are. I hope we still are. ------ Hindi ko talaga masyadong alam. Sana ayos lang humiram ng five minutes para mag-type. At mag-blog. | |
|
| Anim na oras bago makarating ng Baguio. Anong gagawin sa anim na oras. Makikinig. Makikinig sa musika, sa mga tao. Titingin sa labas, titingin sa gulong, titingin sa langit. Sa mga puno. Sa mga linya ng kuryente. Sa daan, hanggang blur nalang ang makita mo. Mag-iisip. Makikipag-usap.
Maganda ang isa sa mga naging pag-uusap ko sa aking kapatid. Nabanggit niyang bigla na lamang niyang naalala ang Shine-Dalgarno sequence. Na may kinalaman sa ribosomes, RNA, prokaryotes, synthesis, something. something. At ako ay. "Ano?" At natawa lang ako dahil habang mga ganung bagay ang sumasagi sa utak niya. Ako, ang pinag-iisipan ko, Hannah Montana. At ang episode na napanood ko sa kwarto ng pinsan ko.
Magaling.
------
you get the best of both worlds chill it out take it slow then you rock out the show you get the best of both worlds mix it all together and you know that it's the best of both worlds
Hindi ba naman ako ma-brain dead sa LSS na yun. | |
|
| What do we do now.
17-20 Corps Camp 21 make-up: baking 22 KA meeting 23 yearbook pictorials, deadline for painting&drawing 24 KA meeting, Corps meeting, submit portfolio, deadline for notecards 25-29 Baguio
Wala pa kaming project sa Film App.
------
Pwede kayang wag muna mag-enrol.
------
Excited na akong magpa-process ng shots. | |
|
| Ngayon ko lang naranasan ang. Unang linggo palang ng pagpasok. Pagod na ako.
Pagod kasi pagod ang katawan ko. Pero hindi pagod na. Pagod. Parang third quarter na.
Parang fourth quarter na. Parang April 22 na at graduation na at.
Parang lang.
------
Minsan natutuwa akong mag-aral. Pero hindi kasi lahat ng pagkatuto. Nasa loob ng silid-aralan.
------
Alam mo bang. Ang dami kong naririnig na eroplano ngayon. At natutuwa ako.
------
Sa tingin ko. Nalulungkot ako.
Dahil sabi ko magsusulat ako. Pero hindi na ako makapagsulat. Kasi hindi ko na maisip at. Ang sakit na ng ulo ko. At. Masakit talaga.
At ang dami ko nang hindi maalala. Pag-aalala sa pag-aalala. At. Buong linggo kong pinag-iisipan yun.
Gaya ng tatlong journals na inabot ko. Na binilang ni Maki sa harap ko, isa dalawa tatlo. At nakakatawa. Nakakatawa talaga kung iisipin pero. Nalulungkot ako. Na ganun.
At pinagtatawanan ko ang sarili ko pero hindi rin.
------
Magtatalumpati na ako sa Pinoy sa 18. At sana, hindi ako tamarin magsalita. At Vegetarianism ang paksa ko.
At.
Marami pa akong sasabihin. | |
|
| |